PSustain

Sustainability for every Juan

Hinihikayat ng PSustain, o mas madaling kilalanin bilang Psus, ang mga Pilipino na aralin at subukan ang masinop at wais na pamumuhay sa ating mga pamayanan. Sa kabila ng 'di magkamayaw na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, wala nang mas akmang panahon para simulan ito. Dito sa Psus, magbabahagi kami ng mga tip para sa mas maayos na pagpaplanong pinansyal sa pang-araw-araw. Magbabahagi rin kami ng mga solusyong praktikal, tipid tips, mga maka-kalikasang kapalit sa mga bagay-bagay, mga lokal na negosyong pwedeng suportahan, mga babasahing makabuluhan, at maging mga kwento ng mga kapwang pangkaraniwang Pilipino.


Tipid Tips

Meal-prepping 101:Healthy Pre-planned Meals
Palengke Chronicles
Hanggang Saan Aabot Ang Bente Mo?

Lokal Finds

Taytay Tiangge(Taytay, Rizal)

Kung murang damit ang hanap mo, siguradong makakahanap ka dito sa Taytay Tiangge!

Anonas Mall(Quezon City)

Maraming magagandang damit ang makikita mo dito sa Anonas Mall sa Quezon City. Laging puntahan ng mga mahihilig sa ukay. Medyo may kamahalan nga lang ang mga bentahan pero affordable pa rin kung tutuusin!

Abad Santos(Tondo, Manila)

Madaling puntahan itong Jose Abad Santos dahil merong station ng LRT dito. Sa kahabaan nito, tiyak na makakatagpo ka ng mga mumurahing muwebles!

Quiapo(Quiapo, Manila)

Dito sa Quiapo Market, maraming binebenta mula sa mga palamuti, mga gamit sa kusina, maging mga panregalo at iba pa!

Bambang Market(Tondo, Manila)

Kilalang bagsakan ang Bambang Market, Tondo ng mga medical supplies at mga kagamitan ng Med students. Meron din ditong mga bilihan ng branded na damit.

Cartimar(Pasay, Manila)

Isa ang Cartimar sa mga sikat na lugar noong '80s at '90s bilang isang malawak na bilihan ng mga kung anu-ano. Mula sa mga halaman, alagang hayop, mga bike, at maging imported na sapatos, lahat ng kailangan mo mahahanap mo dito!

Juans Upon A Time

Pinost ni Daryl Reinoso

Akala ko hassle, kaya naman pala!

Wazzup mga ka-Psus! Sinubukan ko lang naman nitong nakaraang buwan yung sustainable living tips dito. Grabe! Anlaki din pala ng naitulong sakin pati sa budget ko. Bumili ako ng mga ecobag para iwas na sa plastic pag nag-grocery o namalengke. Nung una nahihiya pa ako kasi parang bida-bida. Pero nung nasanay na ako, ayos din pala!

Tinigil ko na rin bumili ng bottled water. Lagi na lang akong may dala na tumbler at nagpaparefill na lang ako lagi sa mga water refilling stations para sa tubig sa bahay. Ang laki ng natitipid ko, bawas na rin sa kalat! Yung ibang nabubulok na basura ko kasi ikinocompost ko na lang. Dahil dun nakapagsimula ako ng maliit na garden.

Isang buwan ko pa lang ginagawa pero nakakagaan din ng loob at ng isip. Hinihintay ko na lang lumaki at bumunga yung mga tanim ko! Hahaha! Kayo ba, may mga suggestions pa kayo na pwede kong subukan?

Pinost ni Sheila Pamintuan

Paano ba makaraos?

Mga ka-Psus, hirap na hirap na talaga ako ngayon. Ang daming bayarin, pero parang kahit anong tipid ko, hindi pa rin sumasapat. Iniiwasan ko naman na lahat ng unnecessary na gastos. Wala nang kape sa labas, wala nang delivery, pero parang kulang pa rin. Minsan iniisip ko kung saan pa ba pwede magbawas, pero halos essentials na lang din binibili ko.

Gusto ko lang sana humingi ng tips kung paano niyo hinahati yung sweldo niyo para magkasya talaga. Paano niyo natitipid sa pagkain, sa kuryente, at sa pang-araw-araw? Kung may alam kayo na paraan para kahit papaano gumaan to, sobrang makakatulong yun sakin. Iniisip ko na ngang maghanap ng isa pang trabaho kahit full-time na ako.

Pasensya na kung mabigat tong post ko. Dito na lang din kasi ako nakakakuha ng sagot. Salamat sa kahit anong advice na maibibigay niyo.

Pinost ni Tristan Aguila

#BakalGym #MealPrep

Share ko lang yung meal prep na nakuha ko sa coach ko. Sobrang budget-friendly pero solid! Pramis! Eto na lagi kong ginagawa. Bukod sa matipid, mabilis lang din gawin.

Pagsamahin niyo lang sa rice cooker yung brown rice, chicken breast, toyo, paminta, at kalamansi. Samahan niyo ng rin ng gulay na gusto niyo. Carrots man yan o sitaw, basta ba kakainin niyo. Diba, kumpleto rin naman. Damihan niyo na lang din luto, mga tig-isang kilo ng bigas at manok. Sulit yun para sa isang linggo niyo! Sakto sa mga nagpapa-bulk. Di na kailangan ng mahal na diet. Subukan niyo mga ka-Psus! Swak yan. Pramis!"

Pinost ni Lomeng Madamba

Mura at magandang pangregalo po sana ngayong Pasko

Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po si Aling Lomeng. Gusto ko lang sana humingi ng tulong sa inyo kung saan ba pwedeng makabili ng mga abot-kayang pangregalo para sa mga apo at kamag-anak ko ngayong Pasko. Di naman po gasinong kalaki ang aking budget, pero gusto ko pa rin silang mapasaya kahit papaano. Ang naisip ko po sana ay yung mga praktikal na gamit o simpleng laruan lang, basta po hindi masyadong mahal. Naririnig ko na mura daw sa Divisoria, pero medyo nahihirapan na akong magbiyahe paparoon. May alam po ba kayong mga tiangge o lugar dito sa Maynila na madaling puntahan? Maraming salamat po sa tutulong. Malaking bagay na po para sakin ang inyong mga tugon. Sana po ay pagpalain kayong lahat ngayong Kapaskuhan!